Long Distance Relationship-“Distance is not for the fearful, it is for the bold. It’s for those who are willing to spend a lot of time alone in exchange for a little time with the one they love. It’s for those knowing a good thing when they see it, even if they don’t see it nearly enough…

Long Distance Relationship - mga taong nagmamahalang malayo sa isa't isa..Maraming tao ang nagsasabing mahirap ang long distance relationship. Ikaw,naranasan mo na ba yung ganitong klaseng relasyon? yung cellphone at internet lang yung tanging nagiging communication nyo. Mahirap deba?
ONLY A STRONG WOMAN CAN SURVIVE MISSING HALF OF HER HEART. Strong Woman means, yung kayang maghintay kung kailan nya ulit makikita ang lalaking mahal nya. Strong Woman means, yung kayang intindihin ang taong mahal nya sa lahat ng bagay, yung may mahabang pasensya at malawak na pag-unawa sa lalaking mahal nya. Yung tipong kahit magkalayo kayo at hindi nyo nababantayan ang isa't isa,hindi nyo parin ginagawa ang mga bagay na pwedeng ikasira sa relasyon nyo. At yung tipong kahit may magbigay pa sayo ng atensyon at mga bagay na hindi magagawa ng boyfriend mo dahil malayo siya sayo eh iniiwasan mo at nagiging honest ka sa boyfriend mo sa mga ganitong sitwasyon. At contented sa inyong relasyon,contented sa atensyon at oras sa bawat isa. It's just the trust of the Woman, and the loyalty of the Man.
Sabi nila, mahirap daw pag-malayo sa isa't isa,hindi nagwowork ang ganitong klaseng relasyon dahil hindi nyo alam ang bawat kilos o ginagawa ng bawat isa. Actually, my point din naman sila, mahirap nga naman dahil malayo kayo at baka may ginagawa na siyang hindi maganda deba?..Pero pagmahal mo kasi ang isang tao lahat nang "what if" nawawala na,at sinusunod mo nalang kung ano ang sinasabi ng puso mo. Pagmahal mo kasi ang isang tao, lahat kayang mong harapin at kakayanin ang mga pagsubok na darating sa relasyon nyo dahil alam nyo pareho na darating din ang araw na magkakasama na kayo at hind na maghihiwalay pa. :)
Ang daming pwedeng maging problema sa Long Distance Relationship.
First ay ang Distance nyo sa isat't isa. ang hirap isipin na ang taong mahal mo ay malayo sayo, hindi kayo nagkikita o nag-uusap personal,hindi mo sya mayakap at hindi nyo nakikita ang ginagawa ng bawat isa. Uh well, ang masasabi ko lang sa una lang mahirap pero pagdumaan na ang ilang araw at buwan don mo mas maiintindihan na ang tunay na nagmamahal hindi nasusukat sa physical contact o pagsasama nyo ng madalas kundi nasusukat ito sa kung paano mo ito ipapakita o ipapadala malapit man o malayo. Distance doesn't matter if two hearts are loyal to each other.
Second, hindi magkatugma ang oras nyo or Time. yung kakauwi nya lang galing work tapos ikaw tulog na, uh di kayay tulog pa siya tapos gising kana hehehe... Ang mabibigay ko lang na solusyon diyan is kailangan nyong gumawa ng schedule kung saan pwede kayong makapag-usap kahit sandali lang. Like, kung anong oras ang uwi nya galing work mag-alarm ka para kahit papano makapag-usap kayo kahit sandali lang. (that's what I'm doing hehehe)
Thirt,pag-may sakit or may problema ang isa sainyo hindi nyo macomfort ang isa't isa. Mahirap yung gusto mo siyang yakapin para mawala na yung sakit o nararamdaman nya pero wala kang magagawa dahil ang layo nyo sa isa't isa,hanggang salita at chat ka nalang. Ang maibibigay ko lang na solusyon sa ganitong sitwasyon is kailangan nyong unawain at intindihin pareho ang sitwasyon nang relasyon nyo dahil nasa LDR kayo, yup mahirap talaga pero test lang yan sa isang relasyon. Ang tunay na pag-ibig hindi lang nakikita kung magkasama kayo kundi dapat nararamdaman din ito kahit na magkalayo kayo. Mas masarap isipin na kahit na malayo kayo sa isa't isa eh ramdam na ramdam mo parin ang care nyo sa isa't isa :)
Fourth, hindi pagkakaunawaan or misunderstandings.hindi talaga maiiwasang may mga pinagtatalunan kayo,like sa mga gurls;nakatulog ka sa schedule ng pag-uusap nyo,nagpost ka ng pictures na my katabing lalaki kahit friend mo lang(hehe hindi maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon),nakalimutan mong bawal pala magsuot ng shorts or sleeveless(super strict si hubby)at marami pang iba... ang mapapayo ko lang mga gurls is pahabain pa ang ating pasensya at kailangan nating intindihin ang ating mga boyfriend dahil malayo sila satin, iwasan nating magselos sila at gawin nalang natin ang gusto at hindi nila gusto kung itoy para sa kaibubuti din natin. Ayaw nilang mabastos tayo dahil iniisip nila na wala sila sa tabi natin para ipagtanggol tayo.
Fifth, kawalan ng tiwala or mistrust. Ito ang palaging sinabi pag nasa Long Distance Relationship ka 'just trust me'..mahirap ibigay ang tiwala sa taong mahal mo lalo na pag-magkalayo kayo. Alam mo yung napapaisip ka kung ano ginagawa nya,sinong kasama nya, nagsasabi kaya siya nang totoo sakin, what if nagtitiwala ako sa kanya na kami na forever tapos may iba pala siya? Hindi talaga maiiwasan na mapaisip ka ng ganun, at kung kaya mo bang ibigay talaga ng buo ang tiwala mo sa taong mahal mo. Sa pag-ibig kasi kailangan mo ding sumugal, kailangan mong paghirapan bago mo makamit ang happiness na matagal mo ng gusto. Oo masakit, minsan nasasaktan tayo pero paano mo malalaman na siya na pala ang lifetime partner mo kung hindi ka magtitiwala sa kanya deba? Trust is the most important things in a relationship, it won't work if don't trust each other.
No comments:
Post a Comment