Saturday, 16 July 2016

When Someone truly cares about you they make an effort, distance is not an excuse!

Sometimes words are not enough to make someone feel that you care for them. Sometimes you need to make a little extra effort. Extra effort - hindi naman ibig sabihin kailangang bonggang effort, alam mo yung kahit sa simple way lang eh mapapasaya mo siya. At pag-nag effort hindi ibig sabihin pag-magkasama lang kayo dahil kahit magkalayo kayo pwede mo parin itong gawin sa taong mahal mo. It's not about material things, hindi lang mamahaling regalo ang nagpapasaya sa taong mahal natin kundi mas napapasaya natin sila sa mga simpleng bagay lang hehehe....tulad nito:



Simple Comic drawing :) ilonggo comic story na ginawa ng boyfriend ko, simple yet special for me..,paulit2x ko talagang binabasa to tapos natatawa nalang ako hehehe...He always made me happy, kahit na milya milya ang layo namin pero yung presence ng bawat isa parang nandiyan lang...  






Even though we're miles apart, a computer screen connects our hearts...ganito parati ang eksina namin sa skype,kinukuhanan nya ako ng pictures na hindi ko alam,uh deba ang saya?!tapos eepost sa fb na hindi ko rin alam, pero imbes na magalit natatawa pa ako sa ganito. kasi masasabi kung kahit magkalayo kami,sa simpleng effort nya lang napapasaya nya ako,napapatawa nya ako. 
Sa pictures na to pinapakita nya sa drawing na alam nyang magagalit ako kapag pinost nya ang pictures na to, pero gumawa siya ng banner na may nakalagay i love you inday dahil alam nya na mawawala galit ko kapag sinasabihan nya ko ng i love you hehehe...mababaw lang talaga kaligayahan ko, at simple na mga drawings nya napapasaya nya ko kahit na malayo kami..
If you truly love someone distance is not a problem, it's just the power of making love grow each day!






That awesome feeling when someone making an effort to make you smile...And he surprised me...yung feeling na may taong naghahanap sayo sa bahay,tapos hindi mo kilala at my mga dalang chocolates at malaking teddy bear...yun pala cousin ng boyfriend ko,inutusan nya para ibigay sakon to,uh deba ang sweet hehehe kilig lang,,yung smile hangang tenga...yup,its simple and common para sa iba,pero para sakin kasi special lalo na pag yung taong mahal mo ang gumawa nito..Alam mo yung kahit magkalayo kayo, iniisip nya parin nag mga bagay na magpapasaya sayo at ginagawan ng paraan ang mga bagay na ginagawa nya pag-magkasama kayo...Because TRUE LOVE  doesn't mean being inseparable, it means being separated and nothing changes...











'ara ka gid permi sa heart and mind ko gha, biskan busy ako wala ko gid ikaw nakalimtan. tandaan mo lang gid permi na palangga ko gid ikaw na mayad langga ko' yan yung parati nyang sinasabi sakin, paulit2x niyang sinasabi na hindi siya magsasawang sabihin sakin na 'palangga nya ako'...at ganun din ako sa kanya,hindi ako mgsasawang sabihin sa kanya na mahal ko siya, and we can't wait for the day na magkita ulit pero sa ngayon skype lang muna...

-you maybe out of my sight but but never out of my mind..










'my first thought in the morning is you and the last that stays on my mind every night'...pag-gising sa umaga,cellphone na ang hinahanap para makapag-greet nang 'good morning'...Sa long distance relationship ang pinakamahalagang oras na maibigay mo o mapadama na naalala mo ang mahal mo ay pagkagising sa umaga at bago matulog.Para sakin mahalaga dahil sa morning yun lang ang oras na makapag-chat ka/text/call,at mapadama na siya ang unang tao sa isip mo at importante siya sayo. At sa gabe naman,yan ang oras ng pagpahinga,oras na makapagkwentuhan kayo or ma update mo siya sa mga nangyari buong araw at siya ang huling taong nasa isip nya bago ulit matulog...




Ito ang mga halimbawa ng effort na pwede mong gawin sa taong mahal mo, simple yet special. Effort is not a responsibility, it's a willingness on how to make your love one smile... At pag-sinabi nating effort, hindi ibig sabihin ang lalaki lang ang gumagawa nyan, syimpre pati rin tayo gurls.. Ang paglaan natin ng oras sa kanya, ang pag-gising ng hating gabe or madaling araw para makausap sila effort na yan. Pag-alala natin sa mga mahalagang araw sa buhay nya, like Birthday, Monthsary/Anniversary, Valentines Day, Christmas, etc. Ang importante sa pagpapakita ng effort sa taong mahal mo ay ang willingness mo sa paggawa o pagpapakita nito, dahil kahit anong simple pa yan at kung galing sa puso mo at happy ka sa ginagawa mo ma-appreciate ito ng taong mahal mo. 



   Hindi naman siguro lahat ng lalaki eh  hindi gusto na sinu-surprise sila, hindi lang talaga sila nagpapahalata pero pag nag-effort ang babae deep inside them happy sila hehehe. Sa long distance relationship dapat talagang ipakita at ipadama sa taong mahal mo na mahalaga siya kahit nasa malayo siya, katulad ng paghanda sa birthday nya. Kahit makabili ka lang nag-cake o kahit maliit na cupcake manlang para mapadama mo sa kanya na special siya at hindi mo nakakalimutan ang mga mahalagang araw sa buhay nya. Ito ang mga simple ideas ko lang na ginagawa ko sa Gha ko.

No comments:

Post a Comment